Wednesday, November 8, 2023

Labis Na Galak

VERSE I:
Mga labi ko O Diyos
Sa'yo aawit
Ika'y papurihan
Sa kalangitan

Aking kamay itataas Ka
Pangalan Mo'y luwalhatiin
'Pagkat Ikaw O Diyos
Ay dakila

CHORUS:
Napakasayang magbigay papuri
Labis na galak nararamdaman
Pupurihin Ka sa bawat tugtugan
Pupurihin Ka sa bawat galaw
Itataas ang Ngalan Mo
Magpakailanman

VERSE II:
Sa taglay Mong lakas 
O Diyos purihin Ka
Isisigaw sa buong mundo
Labis Mong gawa

Puso ko ay tuwang-tuwa
Kasiyahan ay umaapaw
Katapatan Mo O Diyos
Ay dakila.


#EulitoDoinog

No comments:

Post a Comment