Tuesday, November 7, 2023

Sabik Sa Presensya

VERSE:
Ako ay narito ngayon
Naghihintay
Inaasam-asam
Presensya Mo'y muling maranasan


Ako ay narito ngayon
Nananabik
Nananabik na makita
Luwalhati ng Iyong mukha

CHORUS:
Sumasayaw na nga
Sa galak tumatawa
Nananabik na makita
Muli Mong pagbisita


Panginoong Hesus
Malayang malaya Ka
Baguhin Mo ang buhay ko
Ito'y Iyong-iyo.


#EulitoDoinog

No comments:

Post a Comment