VERSE I:
Kung aking mamasdan ang kalawakan
Hindi ko maunawaan
Ang Iyong dahilan kung bakit ako'y
Pinili mo't inalagaan
Kung aking mamasdan ang kalawakan
Hindi ko maunawaan
Ang Iyong dahilan kung bakit ako'y
Pinili mo't inalagaan
PRE-CHORUS:
Di ko kayang isipin
Hindi ko kayang sukatin
Pag-ibig Mo Hesus
Na Iyong binigay sa akin
CHORUS:
Salamat salamat
O Hesus sa pag-ibig Mo
Walang ibang nagmahal sa akin
Na katulad Mo
Salamat salamat
O Hesus sa pag-ibig Mo
Ako'y magsasaya
Sa piling Mo
VERSE II:
Kung may pagsubok man o kagipitan
Ako ay may lalapitan
Ikaw Hesus ang aking sandigan
Hindi Mo ako pinabayaan
BRIDGE:
Buhay ko nang purihin Ka
Buhay ko nang Sayo'y sumamba
Wala nang ibang nanaisin pa
Kundi pasalamatan Ka.
Buhay ko nang purihin Ka
Buhay ko nang Sayo'y sumamba
Wala nang ibang nanaisin pa
Kundi pasalamatan Ka.
#EulitoDoinog
No comments:
Post a Comment