Monday, November 6, 2023

Hinahanap Ko

VERSE I:

Ang umawit at magpuri sa ‘Yo

Aking tugon sa pag-ibig Mo

Langit at lupa Sa ‘Yo ‘y sasamba

Oh Diyos purihin Ka

Dakila Kang talaga


CHORUS:

Ikaw ang hinahanap ko

Sa buhay kong ito

Pag wala Ka ay di makuntento


Tuwing sumasamba sa ‘Yo

Sagad-sagaran ang kasiyahang

Tunay na nadarama ko


VERSE II:

Ang banal na tahanan Mo

Ang hinahanap ng puso ko

Kaligayahang di kayang bilhin

Sa ‘Yo ko lang nadama

Ako ‘y malaya na


#EulitoDoinog

No comments:

Post a Comment