VERSE I:
Panginoon Ikaw ang himig ng awit ko
Panginoon hangad ko ay presensya Mo
Ikaw ang laman ng puso't isipan
Sa'yo lamang magpakailanman
Pag-ibig ko'y Sa'yo inaalay
Dahil Ikaw ang bawat bukas ko
Wala ng iba pang inaasam Hesus
Kung 'di Ikaw, sa' yo ang puso ko
Lahat sa buhay ko'y alay sa'yo Hesus
CHORUS:
Hesus Ikaw ang buhay sa mundong ito
Sa bawat sandali ako'y iyong-iyo
Ikaw ang laman ng puso't isipan
Sa'yo lamang magpakailanman
Pag-ibig ko'y sayo inaalay.
#EulitoDoinog
No comments:
Post a Comment